Alitan ng 2 pamilya: 1 patay, 2 grabe

CAVITE — Pinaniniwalaang matinding alitan ng dalawang pamilya kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos ng mag-utol na lalaki na ikinasugat din ng magkapatid ng una sa Barangay Julugan I sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang napatay na si Ramil Bunda, habang kritikal naman ang magkapatid na sina Paul Jun, 24 at Norberto Solomon, 44.

Agad naman nadakip ng pulisya sa pangunguna ni P/Chief Insp. Audie Madrideo, ang mag-utol din na suspek na sina Vivencio at Ricky Montano. Naniniwala si SPO1 Apolinar Gonzales na may namagitang alitan sa pamilya Montano at Bunda na nauwi sa matinding karahasan sa kanilang barangay. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments