Ayon kay Captain Ruel Rombaoa ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Fort Magsaysay, Palayan City; tatlo sa mga napatay ay rebelde, na nakilala lamang sa mga alyas na Ka Tano; Ka Richard at Ka Ronald.
Sa ulat naman ni P/Supt. Roel Obusan, hepe ng PNP Provincial Intelligence and Investigation Branch, nasawi sa cross-fire ang 70-anyos na sibilyang si Rebecca Gonzales y Linsangan ng Barangay San Francisco.
Nasawi sa panig ng militar ay isang kawal na may ranggong technical sergeant mula sa 702nd Infantry Brigade at pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan habang ipinaaalam muna sa kanyang pamilya.
Gayunman, nasakote ang isang rebelde na nakilalang si Jojo Temporado makaraang masugatan sa madugong engkuwentro na tumagal ng tatlong oras.
Base sa ulat, nakasagupa ng tropa ng military at operatiba ng pulisya mula sa bayan ng San Antonio at NEPPO ang pangkat ni Ka Mio ng Kilusang F1 na kumikilos sa bahagi ng Bulacan. Narekober naman sa pinangyarihan ng sagupaan ay anim na malalakas na kalibre ng baril. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)