Trader itinumba sa harap ng dalawang anak
August 9, 2005 | 12:00am
NUEVA ECIJA Binaril at napaslang ang isang kilalang negosyante ng hindi kilalang lalaki habang pinanonood ng biktima ang kanyang dalawang anak na naglalaro sa Worlds of Fun Games and Amusement Park sa ikalawang palapag ng NE Pacific Mall sa Barangay Hermogenes Concepcion sa Cabanatuan City noong Linggo ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Jesus Gordon Descanzo, hepe ng pulisya sa Cabanatuan City kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, police provincial director, binaril sa batok ang biktimang si Gregorio Santos y Santiago, 49, ng Purok 5, Barangay San Jose Norte ng lungsod na ito.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-6:35 ng gabi noong Linggo, kagagaling lang ng pamilya Santos sa simbahan at dumiretso sa paboritong pasyalan para maglaro ng computer games at duon lumapit sa likurang bahagi ng biktima ang suspek.
Nag-iiyak ang dalawang anak ng biktima nang makita nila ang sariling ama na parang nauupos na kandila sa kanilang tabi.
Hindi naman nadakip ng mga security guard ang nag-iisang killer nang magtakbuhan at magkagulo ang mga tao sa paglabas sa naturang palaruan.
Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa anggulong sinisilip ng pulisya na pansamantalang hindi idinetalye ng mga awtoridad. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest