Empleyado ng ospital tinodas
July 30, 2005 | 12:00am
CAVITE Pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang isang 32-anyos na empleyado ng Tanza Family Hospital ng mga hindi kilalang lalaki makaraang pagnakawan ang biktima sa inuupahang bahay sa Barangay Sampaloc 4 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-singko ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Pelagio Baldomar na residente ng 22 Atienza Compound sa Barangay Batay. Ayon kay PO3 Valero Bueno, may posibilidad na nanlaban ang biktima sa mga magnanakaw at sa labas na lamang inabutan bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest