^

Probinsiya

Turistang Hapones nilikida sa Batangas

-
STO. TOMAS, Batangas — May posibilidad na maapektuhan ang turismo sa bansa makaraang mapaslang ang isang 41-anyos na turistang Hapones sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas, may ilang oras matapos na lumabas ng hotel kasama ang isa pang turista kamakalawa.

Tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng real estate dealer na si Takaaki Yushina ng Titoku, Asakusa, Japan na natagpuang nakahandusay sa bahagi ng Barangay San Bartolome.

Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Raul Tacaca, Sto. Tomas police chief, huling namataang buhay ang biktima na lumabas ng Diamond Hotel noong Huwebes ng gabi na kasama ang isa pang turistang Hapones na si Yoichi Muramatsu.

Napag-alamang ibinaba sa taxi ng biktima si Muramatsu sa Robinsons, Ermita, Manila bago nagpaalam na ihahatid ang pera sa kanyang girlfriend pero hindi binanggit kung saan hanggang sa matagpuang patay.

Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang anggulong love affair, pagnanakaw at kaaway sa negosyo matapos na mamataan ng ilang saksi na may dalawang lalaki na mukhang Hapones ang papalayo sa kinakitaan ng bangkay ng biktima may ilang minuto matapos na madiskubre ang insidente. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN BARTOLOME

BATANGAS

CHIEF SUPT

DIAMOND HOTEL

HAPONES

JOY CANTOS

RAUL TACACA

STO

TAKAAKI YUSHINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with