^

Probinsiya

Dengue outbreak sa Nueva Ecija

-
Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) ang pananalasa ng dengue sa bayan ng Tinio sa Nueva Ecija na kumitil ng tatlong sibilyan at pagka-ospital ng 117 iba pa sa loob lamang ng kasalukuyang buwan.

Ito ang kauna-unahang dengue outbreak sa taong kasalukuyan at inaasahang tataas pa ang bilang ng kaso ng may dengue hanggang Setyembre dahil sa tag-ulan. Kabilang din sa minomonitor na bayan sa Nueva Ecija ay ang San Leonardo, General Natividad at Cabiao na posibleng manalasa ang killer lamok, ayon kay DOH Undersecretary for Public Health Dr. Ethelyn Nieto. Ang tatlong biktima na nasawi ay pawang mag-aaral sa pre-school at karamihang pasyente ay ginagamot sa Dr. Paulino Garcia Memorial Medical Hospital.

Napag-alaman pa kay Dr. Nieto na aabot sa 237 kaso ng dengue ang naitala simula pa noong Enero 2005. Kasalukuyan ay nagpadala ang DOH ng mga beteranong doktor sa bayan ng General Tinio para asistihan ang ibang doktor laban sa pananalasa ng killer lamok. Nagsagawa na rin ng fumigating ang kinauukulan sa mga apektadong barangay. (Ulat ni Sheila Crisostomo)

vuukle comment

CABIAO

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ETHELYN NIETO

DR. NIETO

DR. PAULINO GARCIA MEMORIAL MEDICAL HOSPITAL

GENERAL NATIVIDAD

GENERAL TINIO

NUEVA ECIJA

SAN LEONARDO

SHEILA CRISOSTOMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with