^

Probinsiya

Empleyada ng DFA naaktuhan ng pangingikil

-
Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang empleyada ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aktong tumatanggap ng marked money buhat sa isang aplikante ng pasaporte, sa lalawigan ng Cebu.

Nahaharap ngayon sa kasong extortion at administratibo ang suspek na si Jacquel Solita, empleyada ng Regional Conular Office-Cebu.

Si Solita ang humahawak sa pagpo-proseso ng pasaporte ng mga aplikante para sa ibang bansa sa naturang rehiyon.

Sa ulat ng NBI-Region 7, dumulog sa kanila ang biktimang si Remedios Dunlap ng Calape, Bohol matapos na hingian siya ni Solita ng P8,000 para iproseso ang kanyang aplikasyon sa pasaporte noong Hulyo 16.

Nagsagawa naman ng entrapment operation ang NBI kung saan naaktuhan si Solita na tinatanggap ang marked money buhat kay Dunlap sa harapan ng gusali ng naturang ahensya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BOHOL

CALAPE

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JACQUEL SOLITA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REGIONAL CONULAR OFFICE-CEBU

REMEDIOS DUNLAP

SI SOLITA

SOLITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with