^

Probinsiya

Mayor ng Cagayan, anak sabit sa kasong murder

-
Pinaghahanap na ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang alkalde ng Cagayan at anak nito na pinaniniwalaang responsable sa pananambang at pagpatay sa mag-ama na kalaban nila sa pulitika noong taong 2003 sa Sta. Cruz, Maynila.

Nagpalabas na ng warrant of arrest si Judge Cielito Minadaro-Grulla ng Manila Regional Trial Court Branch 29 laban sa mag-amang suspek na sina Buguoy, Cagayan Mayor Licerio Antiporda Jr. at anak na si Lloyd.

Ang mga suspek ay itinuro na responsable at may pakana sa pagkakapatay sa mga biktimang sina Franklin Tamargo at 8-anyos na anak nitong si Franciel Gail noong Agosto 5, 2003.

Base sa rekord ng pulisya, lulan ng Toyota Corolla ang mga biktima nang tambangan ng tatlong armadong lalaki sa panulukan ng Escolta at Nueva St., Sta. Cruz, Maynila.

Naaresto naman sa follow-up-operation ng pulisya ang mga suspek na sina Lucio Columna, Romulo Awingan at Richard Mecate.

Ayon kay SPO2 Alfredo Salazar, ikinanta ng tatlong suspek ang mag-amang Antiporda na siyang nag-utos sa kanila na tambangan at patayin si Tamargo.

Mahigpit na kalaban umano sa pulitika sa kanilang bayan ng mga Antiporda si Tamargo na siyang makakalaban nito sa eleksiyon noong nakaraang 2004 elections. (Danilo Garcia)

ALFREDO SALAZAR

ANTIPORDA

CAGAYAN MAYOR LICERIO ANTIPORDA JR.

CRUZ

DANILO GARCIA

FRANCIEL GAIL

FRANKLIN TAMARGO

JUDGE CIELITO MINADARO-GRULLA

LUCIO COLUMNA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with