Taiwanese trader nakatakas sa kidnaper
July 23, 2005 | 12:00am
BATANGAS Matagumpay na nakatakas ang isang Taiwanese businessman sa mga kamay ng mga kidnaper makaraang itong dukutin noong Linggo, Hulyo 17 sa harap ng pag-aaring pabrika sa Zapote Road, Las Piñas City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Fong Chen, 53, presidente ng Suntory International Commercial Packaging Corporation.
Sa ulat, ang biktima ay dinukot ng apat na maskaradong kalalakihan saka dinala sa bakanteng bahay sa #28 Alcorn St. Block 4 Phase 7, Pacita 1 Complex, San Pedro Laguna.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas- 7:15 ng gabi noong Huwebes nang mapansin ng mga residente na may lumalakad na duguang lalaki sa ibabaw ng bubong.
Mabilis namang tumawag ng mga pulis at mga barangay tanod ang residente na naging resulta sa pagkakasagip sa biktima.
Napag-alamang nakipagsuntukan ang biktima sa nag-iisang bantay nito hanggang sa matalo niya at tuluyang makatakas, samantala, walang inabutang mga kidnaper ang mga awtoridad sa nasabing safehouse.
Nabatid sa mga kaanak ng biktima, humihingi ng P5-milyon ransom ang mga suspek kapalit ng kalayaan ni Chen bago ito matagumpay na nakatakas. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest