^

Probinsiya

Sinibak na pulis patay sa shootout

-
CAMP CRAME – Isang opisyal ng pulisya na sinibak sa tungkulin dahil sa mga kasong kinasasangkutan nito ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa mga kabarong pulis at National Bureau of Investigation (NBI) sa bisinidad ng Arellano Bani Street sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa.

Nakilala ang napatay na ex-police na si Senior Inspector Aldrin Agustin na dating nakatalaga sa Ilocos Regional Mobile Group sa San Fernando City at residente ng Barangay Tebuel sa bayan ng Manaoag, Pangasinan. Sa pagsisiyasat mula sa Camp Crame, si Agustin ay nagtapos sa Phil. National Police Academy class 1998 at nasibak sa tungkulin noong Agosto 24, 2004.

Nakatakas naman ang kasamahang si ex-PO3 Arnel Cave na dating nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa San Juan, Metro Manila at nasibak rin sa tungkulin dahil sa katiwalian.

Sa ulat, sina Agustin at Cave ay itinuturong suspek sa pagtatanim ng molotov bomb sa Maya Emporium noong Huwebes ng gabi, subalit naagapang sumabog dahil may nakakitang sibilyan.

Ayon kay P/Supt. Noli Taliño, hepe ng pulisya sa Dagupan City, ang dalawang tiwaling pulis ay sangkot sa naganap na extortion activities na bumibiktima ng mga negosyanteng Bombay sa nasabing lungsod. Patuloy ang pagtugis laban sa iba pang kasamahan ni Agustin na pinaniniwalaang mga tiwaling pulis nasinibak sa serbisyo. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUSTIN

ARELLANO BANI STREET

ARNEL CAVE

BARANGAY TEBUEL

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

ILOCOS REGIONAL MOBILE GROUP

JOY CANTOS

MAYA EMPORIUM

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with