Opisyal ng NICA tinumba
July 20, 2005 | 12:00am
BAGUIO CITY Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mataas na opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng dalawang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa harapan ng Saint Louis College sa San Fernando City, La Union noong Lunes ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Cesar Murla, 48, assistant director for operations ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng Region 1 na nakabase sa Camp Diego Silang, La Union.
Napag-alamang susunduin ng suspek ang anak sa nasabing kolehiyo nang biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na naka-uniporme na katulad ng mga estudyante. Hindi na nakaporma ang biktima matapos na paputukan ng sunud-sunod hanggang sa bumulagtang duguan. Ilan sa mga nakasaksi sa insidente na kapwa may edad na 24 hanggang 25-anyos ang mga suspek na palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay P/Chief Inspector Sterling Blanco, posibleng may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang intelligence officer kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest