EZ 2 balls sa Zambales may basbas ng PNP
July 19, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Naging inutil ang pamunuan ng pulisya at opisyal ng lokal na pamahalaan laban sa patuloy na pamamayagpag ng operasyon ng sugal na EZ 2 balls na siyang ipinalit sa jueteng sa mga bayan ng Zambales.
Base sa impormante ng PSN, dalawang beses binobola ang sugal na EZ 2 balls kada araw na may kahalintulad din sa jueteng na may kombinasyon mula sa numerong 1 hanggang 31.
Nabatid pa sa impormante na guerilla type ang isinasagawang operasyon ng EZ 2 balls kung saan ang mga kabo nito ay palipat-lipat ng lugar para bolahin ang mga numero.
Napag-alamang nagngangalang alyas Peping Beldan ang pinaniniwalaang tumatayong financier sa operasyon ng EZ 2 balls sa nabanggit na lalawigan at ilan sa mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Central Luzon ay nagsisilbing protektor.
Ayon pa sa source, aabot sa P2-milyon kada araw ang kinukobra mula sa EZ 2 balls na noong nakalipas na linggo lamang nagsimula ang nasabing operasyon.
Kabilang sa mga bayan ng Zambales na namamayagpag ang operasyon ng EZ 2 balls ay ang Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Antonio, Sta. Cruz, Iba, Cabangan at Botolan. (Ulat nina Jeff Tombado at Alex Galang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended