Laman-dagat sa Bataan, di apektado ng fishkill
July 19, 2005 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Pinaimbestigahan na kahapon ng Office of the Provincial Agriculturist ang pagkamatay ng libu-libong isda na kinabibilangan ng asuhos, palos sa karagatang bahagi ng Orion, Pilar at Abucay upang hindi makaapekto sa mga mamimili.
Ayon kina Imelda Inieto at Lydia David, negatibo sa red tide ang baybaying bahagi na nasasakupan ng 11-bayan sa Bataan at posible na ang pagkamatay ng mga isda ay dulot ng tinaguriang guno na kadalasan ay nangyayari kapag madalas ang tag-init at biglang bubuhos ang ulan, aagos sa karagatan at hahalo sa tubig-alat na siyang nagiging dahilan para tumabang ang timpla ng tubig-dagat.
Sa paliwanag ni David, wala ng palatandaang may toxic waste na nakita para mangamatay ang mga isda.
Samantala ipinahayag naman ni Inieto ang 36-ektaryang tahungan na nakapaligid sa anim na bayan ay hindi naapektuhan nang manalasa ang guno noong Linggo ng umaga. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest