^

Probinsiya

NPA rebels nagbanatan: 16 patay

-
LEGAZPI CITY – Aabot sa labing-anim na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasawi makaraang magsagupa ang tatlong pangkat ng rebelde habang tinutugis ng tropa ng militar sa bahagi ng kagubatan na sakop ng Barangay Bicalin sa bayan ng Presentacion noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Phil. Army na si Lt. Col. Serafin Raymundo na nakabase sa bayan ng Pili, Camarines Sur, nagsagupa ang tatlong pangkat ng rebelde na pinamumunuan nina Kumander Tinsay, Kumander Bernie at grupo ni Kumander Torsing ng Jallores Command.

Ayon kay Raymundo, nagsimula ang sagupaan bandang alas-9:30 ng umaga hanggang ala-una ng hapon na nagresulta sa pagkamatay ng labing-anim na rebelde.

Ang sagupaan na tumagal ng limang oras at kalahati ay naging sanhi para magsilikas ang apat-naput-limang pamilya patungo sa Barangay Pili na kinakanlong ngayon ng municipal social and development office sa bayan ng Caramoran, ayon sa ulat.

Napag-alaman na bago maganap ang sagupaan ng tatlong pangkat ng NPA rebels ay nakasagupa ng mga tauhan ng 42nd Infantry Battalion ang isang pangkat ng rebelde na nagresulta sa pagkamatay ng isang NPA.

Nagpulasan ang mga rebelde na nakasagupa ng mga tauhan ni Lt. Col. Noli Perfecto ng 42nd Infantry Battalion patungo sa kagubatan ng Barangay Bicalin, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagsagupa ang tatlong pangkat ng rebelde na pinaniniwalaang sinimulan ng mga tauhan ni Kumander Torsing. Kasalukuyang nagpadala na ng tropa ng military sa pinangyarihan ng sagupaan upang maberipika ang mga napatay na rebelde. (Ulat nina Celso Amo at Ed Casulla)

AYON

BARANGAY BICALIN

BARANGAY PILI

CAMARINES SUR

CELSO AMO

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JALLORES COMMAND

KUMANDER TORSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with