3 pulis tiklo sa kasong extortion
July 11, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Bagsak kalaboso ang tatlong pulis makaraang ireklamo ng isang negosyante na kanilang dinakip, ginulpi, ikinulong saka sapilitang pinagbayad ng libong halaga kapalit ng kalayaan nito sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa.
Nahaharap ngayon sa kasong physical injury, arbitrary detention at robbery extortion ang mga suspek na sina PO1 Francisco Baculi, 31; PO3 Jose Ibasco, 33; kapwa nakatalaga sa Angeles City Police Mobile Group at PO3 Roldan Tababa ng Investigation and Detective Management Branch.
Batay sa reklamo ng negosyanteng si Jose Galang, 26, ng Bagong Bayan, Brgy. Cutcut, dakong alas-7:20 ng umaga kamakalawa nang arestuhin siya ng suspek.
Ang biktima at dalawa pa nitong kasamahan ay nasa harapan ng Petron gasoline station sa McArthur Highway, Brgy. Sto. Cristo ng lungsod nang biglang dumating ang tatlong suspek.
Tinanong ng mga pulis kung ano ang ginagawa ng tatlo sa gasolinahan at ng sabihin ni Galang na may deal sila para sa bentahan ng kotse ay sapilitan silang dinala sa presinto.
Sa presinto ay ilang beses ring pinagsusuntok sa sikmura ng tatlong pulis si Galang at ikinulong sa selda sa di pa malamang dahilan.
Pinagsabihan rin ng mga pulis na kung ibig makalaya ay kailangang magbayad ng P10,000 at matapos maibigay ang nasabing halaga ay pinalaya ito pagkaraang pumirma sa waiver kasama ng dalawang kaibigan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest