2 paslit hinalay

CAMARINES NORTE – Dalawang paslit na babae ang iniulat na hinalay sa magkahiwalay na bahagi ng nabanggit na lalawigan kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang dalawang suspek na sina Marcelo Del Pilar, 25, ng Purok 2 sa Barangay San Rafael sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte at Daniel Visitacion, 36, drayber, ng Purok 2 sa Barangay San Isidro sa bayan ng Daet.

Walang piyansang inirekomenda ang piskalya laban sa dalawang suspek na inireklamo ng mga biktima. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments