^

Probinsiya

Batangas exec itinumba sa KTV bar

-
BATANGAS CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang opisyal ng lokal na pamahalan ng Batangas City ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa loob ng KTV bar sa Barangay Alangilan sa nabanggit na lungsod kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Inspector Felizardo Panaligan, hepe ng investigations division ng Batangas City PNP, ang biktimang si Felix Hidalgo, 55, division chief ng Business Permit and Licensing Division ng Batangas City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-12:15 ng madaling-araw nang upakan ng putok ang biktima habang umiinom ng alak sa loob ng Eloisa KTV Bar and Restaurant.

Napuruhan ng bala ng baril sa kanang sintido ang biktimang nakaupo at nakikipag-usap sa isa hindi kilalang guest relation officer (GRO) sa loob ng nabanggit na KTV.

Wala namang nakakilala sa gunman na may kasama pang dalawang lalaki na nagsilbing lookout at tumakas lulan ng isang motorsiklo na nag-aabang ilang metro ang layo sa KTV bar patungong Barangay Balagtas, ayon sa mga saksi.

Sinisilip ngayon ng mga imbestigador ng pulisya ang dalawang anggulo partikular na ang love angle at job related. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BAR AND RESTAURANT

BARANGAY ALANGILAN

BARANGAY BALAGTAS

BATANGAS CITY

BUSINESS PERMIT AND LICENSING DIVISION

ELOISA

FELIX HIDALGO

INSPECTOR FELIZARDO PANALIGAN

KINILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with