16-anyos na estudyante nag-suicide

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang matinding personal na problema kaya nagdesisyong mag-suicide ng isang 16-anyos na estudyanteng babae sa sariling bahay sa Barangay Agos sa bayan ng Bato, Camarines Sur kamakalawa.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Josephine Quiapo na may botelya ng lason. Ayon sa pulisya, natagpuan din ang iniwang suicide note ng biktima pero ‘di siniwalat sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments