^

Probinsiya

Notoryus na holdaper todas sa barilan

-
CAMP SATURNINO DUMLAO, Nueva Vizcaya – Isang most wanted person sa Cagayan Valley na may patong sa ulo na P.3 milyon ang kumpirmadong napaslang makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tucod sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Robert Mangaccat, police provincial director, dakong alas-6:20 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng RSOG-02, Regional Mobile Group (PMG)1st PNP Provincial Mobile Group at National Bureau of Investigation (NBI) ang kuta ni John Hamhamon na may kasong double murder. Hindi naman sumuko ang suspek at nakipagbarilan sa mga awtoridad hanggang sa tuluyang bumulagta.

Agad na dinala ng mga awtoridad si Hamhamon sa Veterans Regional Hospital matapos siyang tamaan, subalit sa tagal ng biyahe patungo sa ospital ay binawian din ng buhay.

Base sa rekod ng pulisya, si Hamhamon ay sangkot sa serye ng holdapan at may nakabinbing kaso ng murder kaya nasa t alaan ng pulisya bilang pangunahing most wanted. (Ulat ni Victor Martin)

BARANGAY TUCOD

CAGAYAN VALLEY

HAMHAMON

JOHN HAMHAMON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NUEVA VIZCAYA

PROVINCIAL MOBILE GROUP

REGIONAL MOBILE GROUP

ROBERT MANGACCAT

VETERANS REGIONAL HOSPITAL

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with