^

Probinsiya

Utol ng alkalde tiklo sa kasong murder

-
BAGUIO CITY – Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ng Abra Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) ang isang utol ni Tineg Mayor Edwin Crisologo makaraang dakpin sa kasong double murder at frustrated murder kamakalawa.

Nagkaroon muna ng tensyon at human barricade ang mga supporters sa bahay mismo ni Mayor Crisologo sa Barangay Calaba na sakop ng Bangued, Abra, bago tuluyang masakote ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Chief Insp. Rolando Osias, Ayon kay P/Senior Supt. Marvin Bolabola, regional chief, ang suspek na si Florencio Crisologo, 41.

Si Florencio na kasalukuyang nagsisilbing General Service Officer sa munisipalidad ngTineg ay pinaniniwalaang kasangkot sa pagpaslang sa tatlong sibilyan noong Oktubre 13, 2004 sa Barangay Silet, San Juan, Abra.

Base sa rekord, kasama ni Florencio na isinagawa ang krimen ang mga suspek na sina: Joshue Zapata; Hermes Zapata; Inol Buyao; Samuel Batoon; at Jessie Guidang.

Dinakip ang suspek matapos na magpalabas ng warrant of arrest si Judge Charito Gonzales ng Bangued Regional Trial Court Branch 1 sa Abra. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ABRA

ABRA CRIMINAL INVESTIGATION

ARTEMIO DUMLAO

BANGUED REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

BARANGAY CALABA

BARANGAY SILET

CHIEF INSP

DETECTION GROUP

FLORENCIO CRISOLOGO

GENERAL SERVICE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with