Kidnaper patay sa barilan
June 24, 2005 | 12:00am
COTABATO CITY Napaslang sa pakikipagbarilan ang isang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ng mga tauhan ng pulisya makaraang mang-agaw ng baril at tangkang tumakas habang iniimbestigahan sa bahagi ng Koronadal City kamakalawa.
Duguang bumulagta si Mangali Dimas na sangkot sa serye ng kidnapping noong 1997 at nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, si Dimas ay sinisiyasat ng mga imbestigador tungkol sa pagiging lider nito sa pagdukot ng 40 obrero ng Phil. National Oil Company sa Barongis, Maguindanao noong 1997 sa isang safehouse nang mang-agaw ng baril at mamaril.
Napilitang paputukan ng pulisya si Dimas na ikinasawi nito. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest