^

Probinsiya

Trader hinoldap,dinukot saka tinodas

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 44-anyos na mayamang negosyante ang hinoldap habang kasama nito ang buong pamilya bago dinukot at tinodas ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Pambisan Malaki sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Victorio Caragan Jr., hepe ng Regional Operation and Plans Division ng PRO4, ang biktimang si Alex Mangonday ng Barangay Maligaya sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro.

Sa ulat, bandang alas-8 ng gabi nang dumating sa kanilang bahay si Alex kasama ang buong pamilya sakay ng Hyundai van (XHF-556).

Agad na hinarang ng mga hindi kilalang lalaki na nag pakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya ang buong pamilya Mangonday bago nilimas ang lahat ng mamahaling alahas at malaking halaga.

Bago tumakas ng mga holdaper ay dinukot pa si Alex kasama ang sariling sasakyang Hyundai van.

Kinabukasan, Hunyo, 17, 2005 ay natagpuan ang bangkay ni Alex na may tama ng bala ng baril sa mukha at saksak ng patalim sa tiyan na nakabulagta sa gilid ng kalsadang sakop ng Barangay Road dakong alas-6:35 ng umaga. Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang nasabing kaso. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Angie de la Cruz)

vuukle comment

ALEX

ALEX MANGONDAY

ARNELL OZAETA

BARANGAY MALIGAYA

BARANGAY PAMBISAN MALAKI

BARANGAY ROAD

HYUNDAI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ORIENTAL MINDORO

REGIONAL OPERATION AND PLANS DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with