'Maninikwat' dedo sa vigilante
June 18, 2005 | 12:00am
CEBU Isa na namang biktima ng vigilante group ang kinana makaraang pagbabarilin ang isang 38-anyos na lalaki na pinaniniwalaang may rekord ng pagnanakaw noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Tejero, Cebu.
Bandang alas-10:30 ng gabi habang naglalakad ang biktimang si Robin Flores nang harangin ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng kulay asul na motorsiklo.
Ayon sa ilang nakasaksi, kaagad na tumakbo ang biktima upang iwasan ang dalawang lalaki, subalit sinundan siya hanggang sa masukol sa creek saka pinagbabaril.
Sinabi ni P/Chief Insp. Paul Labra, hepe ng Criminal Investigation and Intelligence Branch, si Flores na tinaguriang "Robin Buaya" ay kalalabas pa lamang ng Bagong buhay Rehabilitation Center sa kasong robbery.
Sa ulat, si Flores ay binansagang "Buaya" dahil sinasarili nito ang mga sinikwat at hindi namimigay sa mga kasamahan.
Simula noong Disyembre, aabot sa 70-katao na pinaniniwalaang may rekord sa pulisya ang itinumba ng grupong vigilante, subalit walang lumutang na testigo laban sa mga killer. (Ulat ni Ryan Borinaga)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest