^

Probinsiya

2 sasakyan hulog sa bangin: 7 patay

-
BAUAN, Batangas – Nauwi sa trahedya ang unang araw ng mga estudyante ng Manalupang Elementary at San Vicente High School matapos mahulog sa bangin ang kanilang school service na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng 18 pa kahapon sa bahagi ng Barangay San Pablo sa bayan ng Bauan, Batangas.

Kabilang sa namatay na estudyante ay sina Jennete Maranan, 16 at Mark June Castillo, 8, na kapwa residente ng Barangay San Pablo, Bauan, Batangas.

Sa ulat, papauwi na sana ang mga estudyante lulan ng school service na may plakang NVL-969 na minamaneho ni Julian Castillo nang mapansin nito ang kanyang alagang kambing na nakaalpas at naglalakad sa kahabaan ng highway na sakop din ng Barangay San Pablo.

Nagpasyang iparada ng driver ang sasakyan sa may gilid ng kalsada upang hulihin ang alagang kambing.

Habang itinatali ang alagang kambing, hindi napansin ng driver na kumalas ang kambyo sa neutral ng sasakyan at nagtuluy-tuloy na bumulusok sa may 50-talampakang bangin na ikinasawi kaagad ng dalawang estudyante. Ginagamot sa Bauan Doctors General Hospital ang labingwalong sugatang estudyante.

Sa isa pang insidente, lima-katao naman ang iniulat na nasawi habang dalawampu’t dalawa pa ang sugatan makaraang sumalpok ang Bachelor Express Bus sa bakal na bakod ng tulay malapit sa eskuwelahan ng Barangay Comagascas sa bayan ng Cabadbaran, Agusan Del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina ret. 2nd Lt. Romeo Cubillas, 56; Rosemarie Cebial, 6; Maria Leny Lapasaran, 17 at dalawang babaeng pasahero na hindi nabatid ang pangalan. Base sa ulat nina PO2 Rico Recomata at PO3 Warren Cupay Dultra, ang nasabing bus (LVW-376) na minamaenho ni Eric Daba ng Davao City ay nakipagkarera sa isa pang bus hanggang sa mawalan ng kontrol saka sumalpok sa bakod at may ilang ulit na bumaligtad at nagtuloy sa malalim na kanal. (Ulat nina Joy Cantos, Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

AGUSAN DEL NORTE

ARNELL OZAETA

BACHELOR EXPRESS BUS

BARANGAY COMAGASCAS

BARANGAY SAN PABLO

BATANGAS

BAUAN

BAUAN DOCTORS GENERAL HOSPITAL

DAVAO CITY

ED AMOROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with