Ama kinatay ng anak
June 8, 2005 | 12:00am
TABANGO, Leyte Hindi pa nasiyahang pagtatagain hanggang sa mapaslang ang sariling ama ng kanyang anak ay biniyak pa nito ang ulo ng una saka pinapak ang utak sa kanilang bakuran na sakop ng Barangay Butason II sa bayan ng Tabango, Leyte noong Sabado ng umaga, Hunyo, 4, 2005.
Ang katawan ng biktimang si Josefino Damayo, 42, ay katulad ng kinatay na hayop partikular na ang bungo na walang utak, samantalang, animoy sinapian ng masamang espiritu ang suspek na 14-anyos na pansamantalang nasa custody ng pulisya sa pamumuno ni P/Senior Insp. Alberto Cañete at ihahatid sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek na pinakamatanda sa magkakapatid ay umuwi sa kanilang bahay ng madaling-araw mula sa magdamag na kapistahan at nagdesisyon hindi na gisingin ang kanyang inat walong kapatid at natulog na lamang sa labas.
Bandang alas-siyete ng umaga nang dumating ang biktimang lango sa alak na namiyesta rin na katulad ng kanyang anak.
Dahil sa kilalang malupit sa mga anak ang biktima ay pinagsisipa ang suspek na inabutang natutulog sa kanilang bahay at may kasabihang: Asarin mo na ang lasing,wag lang ang bagong gising.
Dito nagdilim ang paningin ng suspek hanggang sa kumuha ito ng itak at pinagtataga ang sariling ama. Hindi pa nakuntento sa ginawa ay biniyak pa nito ang bungo ng biktima saka pinapak ang umaagos na duguang utak.
Nang mahimasmasan ang suspek sa ginawang brutal na krimen ay agad namang sumuko kay Barangay Captain Eliseo Montane. (Ulat ni Roberto C. Dejon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest