1 dedo, 7 sugatan sa NPA attack
June 6, 2005 | 12:00am
Camp Aguinaldo Patay ang isang sibilyan samantalang pito pa ang nasugatan kabilang ang anim sa tropa ng gobyerno nang paulanan ng bala ng tinatayang 60 miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na sumalakay sa isang Army detachment sa Tubo, Abra kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Linda Camiling na minalas na tamaan ng ligaw na bala.
Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Armys Master Sgt. Aguiliano, MSgt. Perez, Sgt. Mamugan, Cpl. Tapaoan, CAFGUs Anselmo Gagasen, Valention Blas at Brgy. Treasurer Antonio Malingit.
Base sa report, dakong alas 11 ng tanghali nang umatake ang 60 NPA red fighters sa detachment ng Phil. Army na nakabase sa Brgy. Tiempo, Tubo ng nasabing lalawigan.
Dahilan sa higit na nakararami ang puwersa ng mga rebelde ay nagawa ng mga itong makubkob ang nasabing detachment ng militar saka mabilis na nagsitakas tangay ang 31 sari-saring uri ng mga baril patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang magkasanib na elemento ng Abra Provincial Police Office at Armys 41st Infantry Battalion (IB) laban sa grupo ng mga rebeldeng komunista na responsable sa insidente. (Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended