^

Probinsiya

Ni-rape slay sa Laguna, kinilala

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Positibong kinilala ng kanyang mga magulang ang bangkay ng isang mestisang babae na natagpuang may busal na panty at nakagapos sa sariling bra at nakasako sa Barangay Marinig, Sala Road kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Jose Fernandez Jr. chief of police ng Cabuyao, ang biktimang si Margie Ruiz, 14, ng 140 Acacia St., Barangay Looc, Calamba City.

Ayon sa ulat, bago natagpuan ang bangkay ni Ruiz, sinundo pa umano ito ng kanyang ninong na si Erick Opena, isang jeepney driver, upang ihatid sa pinapasukan nitong trabaho sa Calamba Public Market bandang alas-11:30 ng gabi noong Martes, May 31.

Pinuntahan ng mga magulang ng dalaga si Opena na siya umanong pinakahuling kasama nito bago ito nawala upang itanong kung nasaan ang biktima.

Mariin namang itinanggi nito na may kinalaman siya sa pagkawala ng dalaga at nagsabing ipa-police blotter na lang daw ang insidente.

Dahil sa nag-alala ang mga magulang nang hindi umuwi ang biktima kinabukasan kaya ipina-blotter nila sa himpilan ng pulisya sa pag-aakalang may nangyaring masama.

Nakatakda namang imbitahan si Opena sa himpilan ng pulis upang imbestigahan kung sangkot ito sa naganap na krimen. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

ACACIA ST.

ARNELL OZAETA

BARANGAY LOOC

BARANGAY MARINIG

CALAMBA CITY

CALAMBA PUBLIC MARKET

ED AMOROSO

ERICK OPENA

JOSE FERNANDEZ JR.

MARGIE RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with