Tatlong kolehiyo ipinasara
June 2, 2005 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY, Cagayan Pitong kolehiyo at unibersidad sa lambak ng Cagayan Valley ang kumpirmadong nagtaas ng tuition fee ngayong pasukan habang tatlo naman ang iniulat na ipinasara matapos mabigong sundin ang mga criteria at requirements ng Commission on Higher Education (CHED).
Sa pahayag kahapon ni CHED regional director Virginia Resurecion, ang mga kolehiyo na ipinasara dahil sa hindi pagtupad sa mga inilatag na requirements ng higher education at kakulangan na rin ng mga estudyanteng nagpa-enroll ay ang Blessed Trinity College sa Cagayan, Isabela Polytechnic College sa Isabela at ang ABE sa Tuguegarao City.
Nilinaw ni Resurecion, na ang pagkasara ng tatlong kolehiyo ay dahil sa pag-phase-out ng CHED sa kanilang mga programa matapos mabigong sumunod sa mga requirements na hinihingi ng pamunuan ng CHED.
Samantala, sa pitong kolehiyo at unibersidad sa kabuuang 45 sa Cagayan Valley ay pinayagan ng CHED na magtaas ng 10%-15% tuition fee ngayong pasukan upang matugunan naman ang sahod ng mga guro at modernisasyon ng mga paaralan.
Kabilang sa mga nagtaas ng tuition fee ay ang Florentino L. Vargas College ng Tuguegarao, Cagayan, Florentino L. Vargas ng Amulong, Cagayan; UPHS ng Cauayan City, Isabela, Northeastern Colleges ng Santiago City, Fuzeco Polytechnic College, Saint Marys University ng Nueva Vizcaya at Colleges ng Tuguegarao sa Cagayan.
Pinuri naman ni Resurecion ang Programing Language Technique College (PLTC) sa Nueva Vizcaya dahil sa pagbibigay nito ng pinakamababang tuition fee kumpara sa ibang eskwelahan sa buong rehiyon. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest