Residente ng barangay nag-panic sa meningo
May 28, 2005 | 12:00am
Pilar, Bataan Dahil sa kumalat ang balita sa diumanoy pagkamatay ng isang 21 taong gulang na lalaki sa sakit na meningococcemia, nagpanik ang mga residente sa dalawang barangay sa lalawigang ito. Ang biktimang halos isang araw lang naratay sa St. Joseph Hospital ay kinilala ni Pilar Mayor Charlie Pizarro na si Reynaldo Agiabiada, 21, binata ng Barangay Balut-Dos Pilar Bataan.
Ayon kay Dr. Marck Banzon nakakitaan umano ng sintomas ni Dr. Escudero, attending physician sa pagamutan, na ang kanyang pasyente ay may sakit umano ng meningo kayat nang ito ay mamatay hindi na nila pinapasok sa kwarto nito ang sinumang bisita. Bunga nito ay nabulabog ang mga residente ng Brgy. Rivas at Balut-Dos sa bayan ng Pilar sa takot na mahawa ng naturang sakit. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest