P1-M nadugas sa bangko

ANTIPOLO CITY – Tinatayang umaabot sa P1 milyon halaga ang natangay ng grupong acetylene gang makaraang pasukin ang Real Bank sa bahagi ng Barangay San Roque ng lungsod na ito kahapon. Kabilang sa apat na suspek na tinutugis ng pulisya ay isa lamang nakilalang Ana Mendoza.

Base sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nanirahan sa katabing bangko may ilang linggo pa lamang ang nakalipas. May teorya ang pulisya na planado at nakakuha ng mapa ng bangko ang mga suspek kaya madaling naisagawa ang krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments