Suspek sa murder itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 27-anyos na lalaki na suspek sa murder at robbery ng hindi kilalang lalaki habang ang una ay natutulog sa kubo na sakop ng Barangay Libod sa bayan ng Camalig, Albay kahapon ng umaga.

Ang bangkay ng biktima na si Sonny "Boy" Mujal ay natagpuan ng kanyang ina sa loob ng kanilang kubo. Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay nakaligtas na sa unang insidente makaraang pagbabarilin din habang naglalakad sa bahagi ng Barangay Palanog. May teorya ang pulisya na paghihiganti ang isa sa motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments