Misis, apo kinatay ng lolo
May 24, 2005 | 12:00am
CEBU Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 57-anyos na lola at ang apo nitong 2-anyos, habang ang mister ng una ay laslas ang leeg nang matagpuan bago pa mamatay sa kanilang bakuran na sakop ng Sitio Bungtod sa Barangay Media Once, Toledo City noong Sabado ng umaga. Natagpuan ng mga kapitbahay ang mga labi ni Juanita Ubas; apong babae na si Charlita Ubas Midla na kapwa tadtad ng saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantalang natagpuan naman ng ilang batang naglalaro ang asawang si Francisco Ubas na laslas ang lalamunan at nakikipaglaban kay kamatayan may ilang metro ang layo sa kanilang kubo. Agad namang isinugod sa Toledo District Hospital si Francisco, subalit ilang oras pa ay binawian din ng buhay. Hindi malinaw sa ulat kung sino ang pumaslang sa tatlo, subalit may kumakalat na balita na ang pangunahing suspek ay si Francisco ang pumaslang sa kanyang misis at apo bago pa maglaslas ng lalamunan.
Ayon kay PO3 Gerry Trinidad, sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Leo Quinisalas, lumalabas na nagkaroon ng matinding away ang mag-asawa bago pa madiskubre ang insidente.
Ilang kapitbahay ang nakarinig sa malakas na sigaw ni Francisco kay Juanita dahil sa pag-uwi nito ng gabi mula sa pagdalo sa novena sa barangay chapel. Napag-alamang nilalagnat pa ang apo ng mag-asawa, ayon pa sa mga kapitbahay.
Kinaumagahan, habang naglalaro ang ilang bata malapit sa bahay ng pamilya Ubas namataan nila ang duguang si Francisco na kumakaway na animoy himihingi ng tulong.
Agad namang sumigaw at humingi ng tulong ang mga bata sa kanilang magulang upang maisugod sa nasabing ospital si Francisco.
Lalong nagulat ang mga kapitbahay ng pamilya Ubas nang madiskubre nilang kapwa patay na ang mag-lola sa loob ng tinitirhang kubo. (Ulat nina Flor Z. Perolina at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest