Trader itinumba

CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na negosyante ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagbubukas ng sariling opisina sa Yamzuan Building, Tinio Street na sakop ng Barangay San Vicente kamakalawa.

Walang buhay na iniwan ang biktimang si Glenn Navarro ng Libis Street sa Barangay, San Nicolas, Gapan City. Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army sa pagkakapaslang sa biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments