^

Probinsiya

2 patay, 21 pa grabe sa road mishap

-
CAMP CRAME – Patay ang dalawang katao kabilang ang driver habang 21 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng bumangga sa isang puno ang pampasaherong bus sa kahabaan ng highway ng Calumangan, Bago City, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Melvin Aldon, driver ng Ceres Liner bus ng San Enrique, Negros Occidental at ang 47-anyos na ginang na si Ligaya Colango ng Gardenville Subdivision, Brgy. Tangub ng nasabing lungsod.

Ang 21 pang nasugatan ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Base sa ulat, ang sakuna ay naganap sa highway ng nasabing lugar dakong alas-4:45 ng hapon kahapon.

Nabatid na ang bus ay galing sa Hinoba-an, Bohol at patungo sana sa Bacolod City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na masyadong mabilis ang patakbo sa Ceres bus ni Aldon nang tangkain nitong iwasan ang isang motorsiklo na tumatawid sa highway.

Bunsod nito ay nawalan ng kontrol sa manibela ang nasabing driver hanggang sa sumalpok ang bus sa malaking punongkahoy sa tabi ng highway na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALDON

BACOLOD CITY

BAGO CITY

CERES LINER

GARDENVILLE SUBDIVISION

JOY CANTOS

LIGAYA COLANGO

MELVIN ALDON

NEGROS OCCIDENTAL

SAN ENRIQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with