Ilegal rekruter nadakma
CAVITE Isang 52-anyos na babe na pinaniniwalaang ilegal rekruter ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang ireklamo ng pitong biktima kamakalawa ng hapon sa Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite. Nahaharap sa kasong large scale estafa ang suspek na si Marylin Velasco ng New Zealand Street, Better Living Subdivision, Parañaque City. Kinilala naman ng pulisya ang mga biktima ng illegal recruitment na sina: Virginia Quintin; Evangeline Mercado; Emilinda Tamio; Angelbert Perez; Rodolfo Magistrado jr.; Josephine Fajardo at Jola Asma na pawang naninirahan sa bayan ang Tanza, Cavite. (Ulat ni Cristina Timbang)