Pulis-Bukidnon nilikida

CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang kagawad ng pulisya na nakatalaga sa Malitbog, Bukidnon ng nag-iisang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay pababa ng pampasaherong bus sa bahagi ng Barangay Mandahilig, Talisayan, Misamis Oriental, kamakalawa. Sa ulat, sinabayan ng hindi kilalang lalaki na nagpanggap din pasahero ang biktima na bumaba bago isinagawa ang pamamaslang dakong alas-11 ng umaga. Tinangay ng rebelde ang baril ng biktimang si PO3 Emiliano Ortiz. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments