P20-M ransom sa kinidnap na trader
May 5, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Humingi na ng P20 milyon ransom ang mga kidnaper sa pamilya ng isang mayamang fish trader na kinidnap noong Lunes sa Cagayan de Oro City.
Batay sa ulat na tinanggap ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, ipinarating na ng mga kidnaper sa pamilya ng biktimang si Leonardo Agan ang paghingi ng nasabing halaga ng ransom kapalit ng kalayaan ng nasabing negosyante.
Si Agan at asawa nitong si Philadelphia ay dinukot ng mga armadong lalaki habang patungo sa West Bound Terminal sa Brgy. Bulua, Cagayan de Oro City. Gayunman, makalipas ang ilang oras ay pinawalan ang ginang sa Iligan City at tanging ang mister nito ang tinangay.
Ang ginang ay ligtas namang nakabalik sa kanilang tahanan sa Sitio Kitanglad, Brgy. Patag ng lungsod ng Cagayan de Oro.
Nabatid na hindi pa rin makunan ng pahayag ng mga imbestigador ang misis ng biktima dahil nasa state of shock pa ito.
Kaugnay nito, itinanggi naman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang kanilang grupo ang nasa likod ng pagdukot sa negosyante.
Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operations ng mga awtoridad para mailigtas ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended