PNP commander ng Ilocus Sur sinibak
May 4, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sinibak kahapon ni PNP chief Director General Arturo Lomibao and provincial commander ng Ilocos Sur upang bigyang daan ang imbestigasyon sa bigong pananambang sa radio commentator sa kanyang nasasakupan.
Kinilala ang sinibak na opisyal na si Sr. Supt. Mario Subagan na pinalitan naman ni Supt. Crispin Agno bilang Officer-in-Charge.
"His (Subagans) relief would pave the way for an impartial investigation into the shooting of Nestor Seguismundo," pahayag ni PNP Spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil.
Si Seguismundo, isang matapang na komentarista ng DZXE radio ay binaril ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa harapan ng kanyang tahanan sa Brgy. Boquig, Bantay, Ilocos Sur noong nakalipas na Abril 29 ng gabi.
Nabatid kay Bataoil na personal na binisita kahapon ni Lomibao si Seguismundo na kasalukuyan pang nagpapagaling ng kanyang sugat sa Vigan Cooperative Hospital.
Tiniyak naman ni Lomibao na gagawin lahat ng pulisya ang kanilang makakaya para mapagbayad sa batas ang responsable sa pagtatangka sa buhay ng naturang komentarista. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest