3 tinedyer dakma sa pagnanakaw

BULACAN — Tatlong tinedyer ang iniulat na dinakma ng mga kagawad ng pulisya makaraang masangkot sa pagnanakaw ng tatlong bentilador na pag-aari ng Sta. Monica Elementary School sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa. Isa sa tatlong suspek ay nakilalang si Joel Santiago, samantala, ang dalawa ay hindi pinangalanan dahil sa kapwa menor-de-edad. Sa ulat ng pulisya, kinulimbat ng tatlo ang mga bentilador ng eskuwelahan matapos na wasakin ang bintanang bakal bandang alas-3 ng madaling-araw. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments