^

Probinsiya

2 Sayyaf todas sa engkuwentro

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na may ugnayan sa Al-Qaeda terrorist network ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Brgy. Darayan, Patikul, Sulu kamakalawa.

Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang pagkakakilanlan ng mga napatay na bandido.

Sa ulat ni Brig. Gen. Alexander Aleo, Chief ng Joint Task Force Comet, naitala ang engkuwentro sa bisinidad ng nasabing lugar bandang alas-6 ng umaga.

Napilitan namang umatras sa sagupaan ang mga bandido matapos na mapaslang ang dalawa sa kanilang mga kasamahan.

Nabatid na ang engkuwentro ay naganap, isang araw matapos na masapul sa patibong na landmine ng mga bandido ang M35 truck na kinalululanan ng tropa ng militar na ikinasawi ng dalawang sundalo habang 8 pa ang nasugatan sa kanugnog na bayan ng Maimbung, Sulu.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations laban sa nalalabi pang miyembro ng Abu Sayyaf na namumugad sa nasabing lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AL-QAEDA

ALEXANDER ALEO

BRGY

DALAWANG

DARAYAN

GAYUNMAN

JOINT TASK FORCE COMET

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with