2 tiklo sa mga isdang dinamita
April 24, 2005 | 12:00am
BATAAN Dalawang sibilyan ang dinakma ng mga kagawad ng pulisya makaraang makumpiskahan ng 90-kilong isda na ginamitan ng dinamita habang nagtitinda sa pamilihang bayan ng Barangay San Jose sa Balanga City, Bataan kamakalawa.
Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Lilia de Guzman, 57, ng Riverside, Barangay Lamao, Limay at Nestor Castro, 48, kapwa residente ng Barangay Lamao sa Limay, Bataan.
Sa ulat ni P/Chief Inspector Luisito Magnaye, hepe ng PIIB, may natanggap silang impormasyon na naglalako ng kilu-kilong isda ang mga suspek na ginamitan ng dinamita.
Agad namang rumesponde ang pulisya at naaktuhang nagtitinda ng isda na nalambat sa pamamagitan ng dinamita.
Ang nakumpiskang isda ay dinala ng mga kawani ng Agriculturist sa Bahay Puso Foundation sa Barangay Tuyo, Bataan Provincial Jail at sa ahensiya ng Department of Social Worker na pawang nasa Balanga City.
Pansamantalang nasa custody ng barangay opisyal ng Barangay Lamao ang mga suspek at nakahandang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am