^

Probinsiya

Kinidnap kuno na high school stude, nailigtas

-
LAGUNA — Gawa-gawa lamang ang napaulat na dinukot na high school student sa Pacita Complex noong nakalipas na linggo matapos na ma-rescue ng mga kagawad ng pulisya ang biktima noong Lunes sa Sitio Maligaya 4, Juana 6 Subdivision sa Barangay San Francisco sa bayan ng Biñan, Laguna.

Sa pahayag ni P/Supt. Nordinio Reyes, police chief ng San Pedro PNP kay P/Senior Supt. Jaime Calungsod, Laguna provincial director, ang pagdukot kay Ma. Kristine de los Reyes, 15, 3rd year student sa Pacita Complex National High School ay scripted at plano ng biktima, kasama ang tatlong nitong kaklase.

Si De Los Reyes ay nadiskubre ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) at San Pedro PNP sa bahay ng kanyang kaklase sa nabanggit na barangay.

Dahil sa pagkakamali ng salita ng isa sa classmate ng biktima ay natunton ang napaulat na kinidnap na high school student.

Namataan ang biktima ng isa sa kanyang kaklase sa tennis court noong Abril 17, kaya nagsagawa ng paniniktik hanggang sa matagpuan ang dalagita.

Sinabi pa ni Reyes, na natakot ang biktima na pagalitan ng mga magulang dahil sa hindi pag-uwi, kaya gumawa ng paraan ang mga kaklase ng dalagita. (Ulat nina Rene Alviar at Ed Amoroso)

BARANGAY SAN FRANCISCO

ED AMOROSO

JAIME CALUNGSOD

NORDINIO REYES

PACITA COMPLEX

PACITA COMPLEX NATIONAL HIGH SCHOOL

REGIONAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

RENE ALVIAR

REYES

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with