^

Probinsiya

Trader tinodas ng 3 holdaper

-
TAYTAY, Rizal — Binaril sa mukha at namatay ang isang 59-anyos na negosyanteng babae ng isa sa tatlong holdaper makaraang manlaban ang biktima habang hinoholdap sa harap ng palengke na sakop ng Barangay Dolores sa bayan ng Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Halos sumabog ang mukha ng biktimang si Petronilla Bianzon ng Phillipians Subd. Sa Barangay San Juan ng bayang ito.

Samantalang ang mga holdaper na sakay ng motorsiklo ay agad na tumakas matapos na tangayin ang bag ng biktima na naglalaman ang P25,000 na pinaniniwalaang kinita sa buong maghapong pagtitinda.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi habang nakatayo ang biktima sa harap ng pamilihang bayan sa San Mateo Street sa nabanggit na barangay nang lapitan ng mga hindi kilalang lalaking lulan ng motorsiklo.

Tinangkang hablutin ng isa sa tatlong holdaper ang bag ng biktima, subalit nanlaban ito kaya pinaputukan sa mukha saka pinaharurot ang motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Edwin Balasa)

BARANGAY DOLORES

BINARIL

EDWIN BALASA

PETRONILLA BIANZON

PHILLIPIANS SUBD

RIZAL

SA BARANGAY SAN JUAN

SAMANTALANG

SAN MATEO STREET

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with