Pulis, 2 pa sabit sa kotong

QUEZON – Kasalukuyang nakapiit sa rehas na bakal ang isang bagitong pulis at dalawa pang kasama nito makaraang madakma ng mga awtoridad sa aktong nangingikil sa trak drayber sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Malicboy sa bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Venancio Luciano ng 417th PPMG sa Gumaca PNP; Mark Avellano, 22 at Rommel De Rama, 25.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang PNP tungkol sa aktibidades ng mga suspek hanggang sa maaktuhan ng pulisya sa pamumuno ni SPO3 Eladio Merle ang tatlo sa ilegal na checkpoint na nangingikil sa trak drayber na si Secinando Pante. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments