^

Probinsiya

Alkalde kinasuhan

-
SAN FELIPE, Zambales – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin si San Felipe Mayor Edilberto Abille makaraang magwala at magpaputok ng baril sa harapan mismo ng kanilang tindahan sa Barangay Feria sa nasabing bayan kamakalawa ng umaga.

Sa nakarating na ulat kay Zambales Provincial Police Office (ZPPO) director Senior Supt. Edgardo Ladao, nag-ugat ang pamamaril ng alkalde matapos itong tumungo sa A&A Family store na pag-aari ng pamilya Abille sa Poblacion, Barangay Feria sa nasabing lugar.

Inabutan ni Mayor Abille sa tindahan ang isang bombay na nakilalang si Raul Singh at ang kanyang may-bahay na si Dra. Erlinda Abille na may iniaabot na isang brown envelope.

Ayon pa sa ulat, nang tuklasin ng alkalde kung ano ang nilalaman ng envelope ay napag-alamang may P.5-milyon cash at promissory note na may lagda ni Dra. Abille.

Bigla na lamang umanong nagwala at lumabas ng tindahan si Mayor Abille at walang sabi-sabing nagpaputok ng sunud-sunod sa ere sa kabila ng may maraming mga residente roon ang nakasaksi.

Personal na dinala ng naturang alkalde ang bombay sa presinto upang ikulong, subalit pinakawalan din dahil wala namang ginawang kasalanan.

Kaagad na nagsagawa ng isang masusing imbestigasyon ang PNP kasabay ng pagsasampa ng kaukulang kaso base na rin sa kautusan ni Zambales Governor Vic Magsaysay. (Ulat ni Jeff Tombado)

A FAMILY

ABILLE

BARANGAY FERIA

DRA

EDGARDO LADAO

ERLINDA ABILLE

JEFF TOMBADO

MAYOR ABILLE

RAUL SINGH

SAN FELIPE MAYOR EDILBERTO ABILLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with