Trader itinumba sa tindahan

CABANATUAN CITY — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 31-anyos na negosyante ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng kanyang tindahan sa Barangay Obrero Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa. Labindalawang tama ng bala ng M16 rifle ang tumapos sa buhay ni Arnold Bustamante y Juatco, may-ari ng Don AC Hard Feeds and Poultry Supply.

May teorya naman ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na paghihiganti ang isa sa motibo ng krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments