Trak hulog sa bangin: 17 kawal sugatan

CAMP AGUINALDO — Labimpitong kawal ng Army’s 31st at 37th Infantry Battalion ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa malalim na bangin ang military truck ng mga biktima habang binabagtas ang matarik na bahagi ng Alamada- Banisilan Road na sakop ng Barangay Salama, Banisilan, Cotabato kamakalawa. Kabilang sa mga sundalo na ginagamot ngayon sa Station Hospital sa Camp Awang sa Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao ay nakilalang sina Cpls’. Deanon; Pagsanjan; Feliciano; Tubing; Cabanilla; Patta at Malik, na pawang sundalo ng Army’s 37th IB at sundalong mula sa 31st IB na sina Pfcs’ Nasser; Ampa; Mendoza; Utto; Pangawilan; Rubio; Candolada; Petenciano; Sangke at Alvarado.

Pinaniniwalaang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya nagtuluy-tuloy sa bangin ang military truck. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments