4 nawawalang mangingisda nailigtas
April 11, 2005 | 12:00am
Camp Aguinaldo Matapos ang 20 araw, nailigtas ng mga elemento ng Phil. Navy ang apat na nawawalang mangingisda sa isinagawang rescue operations sa karagatan ng Ulugan , Palawan kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nailigtas na mangingisda na sina Pedro Isidro; 49; Zaldy Cacatani, 23; Ronald Mercado, 25 at Jimmy Francis, 27; pawang residente ng Subic, Zambales.
Ayon kay Phil. Navy Spokesman Captain Geronimo Malabanan, dakong alas-7 ng umaga ng masagip ng Navy Ship BRP Mariano Alvarez ang nasabing mangingisda may 48 nawtikal na milya ang layo sa katimugang kanluran ng Ulugan, Palawan nitong linggo.
Nabatid sa opisyal na malaki ang naging tulong ng US rescue aircraft P-3 Orion na naispatan ang nasabing mangingisda sa bahagi ng Spratly Islands sa kanilang pagkakaligtas.
Magugunita na ang apat na mangingisda ay pumalaot mula sa timog kanluran ng Subic, Zambales noong Marso 22 at nabigong makabalik sa itinakdang araw noong Marso 26 kung saan napaulat ang mga itong nawawala na napadpad sa bahagi ng Spratly Islands. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest