Mag-ina pinatay sa palo
April 7, 2005 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na researcher sa government-run Benguet State University (BSU) at anak nitong babae makaraang pagpapaluin sa ulo ng hindi kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Capitol Housing, Barangay Wangal, La Trinidad, Benguet noong Martes ng hapon.
Kinilala ng pulis-La Trinidad ang mag-inang biktima na sina Zyla Macasieb at anak na si Regine, 8 na nadiskubre ng pulisya na naliligo ng sariling dugo sa loob ng palikuran bandang alas-5:20 ng hapon.
Ayon kay P/Chief Supt. Gideon Todiano, police chief, nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang mga biktima na pinaniniwalaang mula sa matigas na kahoy.
Sa imbestigasyon, nahihiwagaan ang pulisya dahil walang anumang palatandaang pinuwersang wasakin ang pintuan ng bahay ng mag-ina at walang anumang gamit na tinangay ang killer.
Nabatid sa ulat na ang padre de pamilya ng mag-ina na si James ay isa rin government employee sa Department of Science and Technology-Cordillera Administrative Region na nakabase rin sa nasabing bayan.
Nagsasagawa na ng malalimang pagsisiyasat ang mga imbestigador ng pulisya para maresolba ang krimen kahit hindi pa nalulutas ang misteryosong pagkakapatay sa dalawang dentista sa loob ng inuupahang apartment sa Barangay Pico. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest