5 holdaper nalambat

CAMP SATURNINO DUMLAO, Nueva Vizcaya — Limang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper ang iniulat na nalambat ng mga kagawad ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bulubunduking sakop ng Kasibu sa lalawigang ito. Kabilang sa nasakoteng suspek ay nakilalang sina Julius Lunag ng Brgy. Pinya sa bayan ng Diadi; Joel Dulnuan ng Brgy. Malabing; Efren Dulnuan ng Brgy. Wangal at isang nakilalang Disaya ng Brgy. Kapisaan sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay P/Sr. Supt. Ruben Catabona, provincial director, ang mga suspek ay sangkot sa holdapan noong Sabado ng hapon ng pampasaherong dyip na lulan ang mga biktimang sina Berting Dumalili; Wilfredo Julian; Joel Butalio at Mariano Gumtain. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments